Trending News
You are here: Home » Entertainment » ‘Toda Max’ Na pag-ibig at tagumpay, hangad ni Angel Locsin
‘Toda Max’ Na pag-ibig at tagumpay, hangad ni Angel Locsin

‘Toda Max’ Na pag-ibig at tagumpay, hangad ni Angel Locsin

Kung may isang bagay na hangad is Angel Loscin ngayong taon, iyon ang manaig ang pag-ibig hindi lamang para sa isang taong espesyal sa kanya, kung hindi maging sa mga kapamilya, kaibigan at mga tagahanga niya.

Kaya tulad ng kanyang pag-ibig sa kapwa, lubos din ang kanyang pagmamahal sa bago niyang pelikula sa Star Cinema na “UnOfficially Yours,” kung saan muli niyang makakatambal ang Box Office King na si John Lloyd Cruz. Siyempre, hangad din ni Angel ang tagumpay ng pelikula.

Sa isang interbyu, ibinahagi ni Angel ang karakter sa pelikula na si Ces, na may kaibahan man sa pagkatao ni Isabel sa “TODA Max,” ay epektibo naman niyang nagagampanan.

Ang leading man ni Angel sa “TODA Max” na si Vhong Navarro, na pumatok din noon sa pelikula, ay masayang-masaya para sa “UnOfficially Yours.” Aniya, sa sobrang mapagmahal ng dalaga ay deserve nito ang mga biyaya’t malalaking proyekto.

Isa sa biyayang tinutukoy ni Vhong ay ang mataas na TV ratings ng “TODA Max.” Ayon sa datos mula sa Kantar Media noong Sabado (Enero 14), nanatiling numero unong sitcom ang “TODA Max,” lalo’t nakakuha ito ng 21.9%, kumpara sa 19.8% ng isang public affairs program at 4.9% ng isang horroe series sa mga kalabang istasyon.

Samantala, ngayong Sabado (Enero 21) sa “TODA Max,” manatili pa kaya ang pag-ibig sa pagitan nina Isabel (Angel) at Justin (Vhong)?

Magdedesisyon si Justin na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na makapag-abroad, kaya’t isasara niya ang kanyang carenderia. Sasama ang loob sa kanya ng kasintahang si Isabel dahil hindi siya sumangguni sa dalaga bago mag-desisyon.

Si Tol (Robin Padilla) naman, malulungkot dahil malalaman niyang ang pagtuloy niya at ng kanyang mga anak sa bahay ng pinsang si Justin ay naging hadlang din para sa pangarap ng binata.

Sa mapanghamong panahong ito, tatakbuhan ni Isabel ang kaibigang si Tol. Paano kung ang pagdamay sa isa’t isay humantong sa pagkakamabutihan?

Tunghayan ang “TODA Max,” pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.

Incoming search terms:

About Gab

The person behind Manila Republic. Gabriel Diaz founded Manila Republic in 2011. His passion to write the latest news in showbiz, sports, lifestyle and current events never fails him to give the latest news to his readers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Scroll To Top
shared on wplocker.com