Trending News
You are here: Home » Entertainment » GERALD AT SARAH: NAGPAPAKIRAMDAMAN?
GERALD AT SARAH: NAGPAPAKIRAMDAMAN?

GERALD AT SARAH: NAGPAPAKIRAMDAMAN?

Hindi naman lingid sa ating mga kaalaman ang parehong pinagdaanan ng kinababaliwang love team ng bagong henerasyon ngayon na sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson mula sa pinakabagong romantic-comedy film na Pre-Christmas offering ng Star Cinema at Viva Films, ito ay ang “Won’t Last A Day Without You.” Naranasan na nila parehong ma-in love at masaktan sa mga nakaraan nilang relasyon. Kaya’t timing na timing talaga ang pagtatagpo sa dalawa dun pa lang sa una nilang pelikulang “Catch Me I’m Falling.”
Ang “Won’t last A Day Without You” ang follow-up movie ng dalawa pagkatapos ng napakalaking tagumpay ng “Catch Me I’m Falling” na tumabo sa takilya noong nakaraang Marso na may gross na 130M. Talagang matindi ang “clamor” ng mga fans na masundan agad ang pelikula nilang ito.


Ayon kay Sarah, “Na-surprise ako na gagawan na nga ng follow-up movie! This year din kasi namin ginawa ‘yung unang movie eh so parang expected ko na if ever magkaka- follow up, next year pa.” Dagdag pa n’ya, “Natuwa din ako kasi nga ibig sabihin may clamor talaga na masundan agad ‘yung 1st movie namin. Mas challenging at nakakakaba lang ng sobra this time kasi for sure higher ang expectations sa amin dito!”


Ibinahagi naman ni Gerald ang kanyang mga saloobin at excitement, “Na-excite ako ng binanggit na may follow-uo movie agad! Hindi ko pa n’un alam kung part 2 ba s’ya ng “Catch Me…” or ibang story. Then nakipag-meeting kami with Star at ikinuwento sa’min ‘yung story. Ibang-iba ‘to! Very realistic at ‘yung mga characters namin, highly relatable talaga!”

Sarah as DJ Heidee in "Won't Last A Day Without You" movie

Sa bagong pelikula ng dalawang bagong love team, si Sarah ay si DJ Heidee na nag-hohost ng isang love counselling radio program. Swak na swak sa “real life experience” ni Sarah ang karakter n’ya sa istorya bilang isang babae na dati nang na-in love at na-broken heart kaya naman hindi na s’ya naniniwala sa true love.

Gerald as Andrew in their latest movie

Samantalang si Gerald naman ay si Andrew na eksaktong pasok sa karakter at klase ng lalaki na hate na hate n’ya: isang womanizer, nakakasakit ng babae…kaya kakaiba talaga ang pelikulang ito, makikita natin kung paano ma-ta-translate ng dalawa ang mga karakter nila on-screen.

Ang nagba-blush na si Gerald during the presscon

Sa nakaraang presscon ng pelikula noong Sabado, November 19, na ginanap sa Dolphy Theater, ay naitanong kay Gerald kung ano ba talaga ang pumipigil sa kanya na ligawan ang maganda ng singer/ aktes na kapareha n’ya sa movie na si Sarah Geronimo. Sobra ang pagba-blush ng guwapitong binata at katakut-takot na tuksuhan ang nangyari at napuno ng sigawan hindi lang mula sa mga loyal fans ng dalawa kundi pati na rin mula sa sa kapwa kasamahan ko sa media. Talaga namang na-on the spot si Gerald nang hapong iyon. Sinabi n’ya na since galing nga sila sa parehong sitwasyon ni Sarah, ang iniintindi lang muna nila ay ang pagko-concentrate sa kani-kanuilang mga careers.

Ang malagkit na tingin ni Gerald kay Sarah

Sino ba naman daw lalaki ang hindi magkakagusto sa maganda at malambing na babae na katulad ni Sarah, aniya. Pagkabigkas n’ya nun, napuno na naman ng “kilig” ang buong teatro, misulang naging fan’s day nung hapon na iyon.


Dagdag pa doon, nagsalita pa si Sarah ng pabiro na “Ready na ako” sabay tingin sa kaniyang relo. Kaya lalong namula si Gerald sa mga tuksuhang nangyari. Sadyang nakakakilig ang mga pangyayari nang hapong iyon. Hay, sadyang napakasarap umibig! Kaya’t ano pa ba ang hinihintay ng dalwang ito, tama na ang pagpapakiramdaman… go na Gerald, tutal naman, bagay naman talaga kayo ni Sarah. Huwag nang intayin pang may makabingwit ng napakaganda at nakaaakit na bunga na abot-kamay mo lamang.


Sabi nga nila Sarah at Gerald, “This movie is our early Christmas gift not just to our fans but to all the hopeless romantics out there as well! Lalo na dun sa mga members ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko), this movie will make you believe in true love!”
“Won’t Last A Day Without You,” sa November 30 na! Panoorin sa mahigit 100 theaters nationwide! Kita-kits!

YOU CAN FOLLOW ME ON TWITTER: www.twitter.com/amazingjing

About Amazing Jing

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Scroll To Top
shared on wplocker.com